-- Advertisements --

Umatras na sa pagsali sa Miss Universe Philippines 2021 ang pambato ng Zambales na si Joanna Rabe matapos na dapuan ng dengue.

Sa kaniyang Instagram account inanunsiyo nito ang desisyon dahil sa kasalukuyan siyang nagpapagaling.

Pinayuhan siya ng kaniyang doctor na mamahinga ng ilang araw.

Kahit na ganon din ang sinapit ay pinasalamatan niya ang mga supporters na nagtulak para makasali sa nasabing pageant.

Magugunitang gaganapin ang coronation ceremony ng Miss Universe Philippine Sept. 25.