-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Nakuha sa pambato ng Pilipinas na si Kenneth Stromsnes ang 2nd runner-up sa ginanap na Mister Manhunt International Male Supermodel 2024 pageant sa Ayutthaya, Thailand sa kagabi.

Sa Instagram story na kaniyang nai-share, nagpaabot ng pasasalamat si Kenneth sa Pilipinas dahil sa suportang kaniyang natanggap.

Idineklara namang Mister Thailand ang pambato sa nasabing bansa na si Kevin Dasom na siyang nanalo sa pageant.

Kasama sa nagtapos sa top 5 sa annual male pageant ay sina Italy bilang 4th runner-up; Venezuela bilang 3rd runner-up; at France bilang 1st runner-up.

Nakatanggap rin si Kenneth ng Best in Personality award at naisama sa Top 8 Chat Influencers.