Isinapubliko na sa bansang Botswana ang kakaibang blue diamond na inaasahang bebenta ng pinakamahal.
Ang 20.46 carat diamond ay tinaguriang Okavango Blue.
Ang mamahaling bato ay prinisenta ng state owned Okavango Diamond Company sa lugar ng Gaborone, Botswana.
Ngayon pa lamang sinasabing lalampasan pa ng halos “flawless†na Blue Diamond ang naunang tinaguriang Hope Diamond.
Una rito nakita ang rough stone na may timbang na 41.11 carat sa isang minahan bilang largest blue diamond sa Botswana.
Ang 45.52 carat na Hope Diamond naman na unang nahukay sa Golconda, India ay nakatago ngayon sa Smithsonian Institute’s National Museum of Natural History sa Washington.
Bagamat mas mabigat ang Hope Diamond pagdating naman sa isyu ng “clarity†ay abanse ang Blue Diamond.