Usap-usapan ngayon kung anong klaseng kabaong nga ba ang pinaglalalagakan ng labi ni Queen Elizabeth III.
Sadyang pambira ang queen’s coffin na ginawang 32 taon na ang nakakalipas.
Dahil sa kakaiba at kakatwa ang pagkagawa ng coffin, hindi umano ito isang bagay na madaling gawin.
Ang kanyang kabaong ay gawa mula sa puno ng English Oak na kung saan bibihira na sa panahon ngayon ‘di tulad ng mga kabaong ngayon na gawa sa kahoy ng American Oak.
Ito ay lead-lined coffin na royal tradition sa UK upang mas mapanatili nang matagal ang katawan sa loob.
Ang tinatawag na “lead” ay makakatulong upang maiwasan ang “moisture” na makapasok sa loob ng kabaong dahilan para ito ay mas maging mabigat.
Mapapansin na umaabot sa walong royal guards ang sama-samang nagbubuhat nito sa paglilipat sa bangkay ng reyna.
Sinasabing halos magkapareho umano ang kabaong ng yumaong si Prince Philip.
Ilalagak ang labi ng reyna sa tabi ng kanyang mister na pumanaw noong nakaraang taon.
Aminado naman ang kompaniyang Leverton & Sons, mula sa London at tumatayong undertakers para sa royal family mula 1991, namana lamang daw nila ang mga coffins at hindi rin nila alam kung sino ang gumawa nito.
Espesyal daw ang coffin dahil dinesenyo ito upang mapanaitli ang “precious fitments” sa takip nito.
Habang nakaburol ang labi ng reyna, kasama sa palamuti na nakalagay sa ataul nito aya ng Imperial State Crown, orb at sceptre, na sagiasag ng iba’t ibang aspeto nang tinaguriang sovereign’s powers.
Samantala, una rito dumating na ang labi ni Queen Elizabeth II sa Buckingham Palace.
Iniulat ni Bombo news international correspondent Ramil Isogon, lumapag ang labi ni Queen Elizabeth sa London ganap na alas-7:00 ng gabi, British Standard Time (BST) at alas-2:00 naman ng madaling araw dito sa Pilipinas.
Ito ay lumapag sa Royal Air Force (RAF) sa Hillingdon West London kung saan ang kabaong ay sakay ng RAF C17 Aircraft mula sa Edinburgh Airport sa Scotland.
Kasamang lumapag ng cadaver ni Queen Elizabeth ang kanyang anak na babae na si Princess Anne at Vice Admiral Timothy Laurence.
Pinangunahan naman ni Prime Minister Liz Truss at Defense Secretary Ben Wallace ang pagsalubong sa pagdating ng kabaong at direkta ring dinala ito sa Buckingham Palace – ang Official Residence of British Monarchy sa London mula pa taong 1837.
Ang kabaong naman ay ililipat mula Buckingham Palace patungong Westminister Hall nitong Miyerkules din. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)