-- Advertisements --
Screenshot 2019 07 09 08 41 50
Carlos Zarate

Nababahala si Bayan Muna Party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo dahil sa pambobomba sa dalawang oil facility sa Saudi Arabia.

Ayon kay Zarate, nakakatakot ang posibilidad na samantalahin ng mga oil companies ang pangyayaring ito para itaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

“The bombing could be used by fuel companies as justification to overprice since it has remained unbundled until today,” ani Zarate.

Kaya nananawagan ang kongresista sa liderato ng Kamara na agad aksyunan ang House Resolution No. 9 na kanilang inihain para maimbestigahan ang oil pricing scheme sa bansa.

Hanggang sa ngayon kasi aniya ay hindi pa rin naibibigay sa kanila ang oil pricing data na kanilang hinihingi mula sa mga oil companies sa kabila ng mga pagdinig na isinagawa ng Kongreso mula noong 2017.

Kaya wala raw silang basehan sakaling magkaroon man ng paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo kasunod ng nangyari sa Saudi Arabia.

“Just like in electricity and water, the public has a right to know how fuel prices are determined so that they can be vigilant against overpricing and market abuses,” ani Zarate.

“Ang hirap kasi nito mukhang sisirit na naman ang presyo ng langis pero bulag naman tayong ordinaryong mamamayan kung tama ba ang sinisingil sa atin,” dagdag pa nito.

Ayon sa mambabatas, ngayon pa lang ay tumaas na ang presyo ng gasoline sa P1.40 hanggang P1.60 sa kada litro, P0.70 hanggang P0.80 sa kada litro ng Diesel ,at P0.90 hanggang P1.00 sa kada litro naman ng kerosene.