-- Advertisements --

Mariing kinondina ng pamilya ng namayapang si senator Benigno “Ninoy” Aquino Jr ang anumang banta ng kaguluhan o pagpatay.

Ayon sa pamilya na si Ninoy Aquino ang pulitikong nakanaras ng matinding panggigipit mula sa mga Marcos kaya marapat na siya ay managot.

Hindi maikakaila na marami ang pinatay at tinortyur sa panunungkulan ng dating pangulong Marcos.

Hanggang sa huling araw nito ay naniniwala si Ninoy sa mapayapang pakikibaka kaya noong 1986 ay ito ang nagpalaya sa kasakiman ng diktatura.

Sa huli ay nanawagan sila na ipagdasal na lamang ang bansa.

Reaksyon ito ng pamilya Aquino sa naging pahayag ni Vice President Sara Duterte na inakusahan ang pamilya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na nasa likod ng pagpaslang kay Aquino.