-- Advertisements --
ECLIPSE 2
Total solar eclipse photo from International Space Station

GENERAL SANTOS CITY – Sari sari ang naging reaction ng mga residente matapos makita ang solar annular eclipse sa lungsod.

Ginawang sentro ang isang mall kung saan nagbitbit pa ang iba ng mga lumang film, dark sunglasses para masilip ang eclipse.

Naglagay din ng tatlong malalaking teleskopyo ang mall para silipin ang araw na natakpan ng buwan.

May mga bata, mag-asawa na kasama ang kanilang mga maliliit na anak ang naghintay na magtapat ang araw at buwan at nagawa pang kunan ng kanilang mga cellphone.

Muntik ng hindi makita ng mga residente ang nasabing solar annular eclipse matapos pumagitna ang malaking ulap subalit nahawi ito nang panandalian hanggang s tuluyan ng tinakpan ang kalangitan.

Ayon kay Benrio Biñan ng PAGASA Gensan, nasa 92% lamang na nasilayan ang eclipse sa lungsod habang 100% doon sa Glan, Sarangani province.

Dahil sa nasabing phenomenon dinayo pa ng ilang taga-Davao ang Gensan para makita ang eclipse.

Sinasabing babalik umano ang solar annular eclipse sa taong 2063 pa.

gensan mall eclipse mall goers