BUTUAN CITY – Matinding kasiyahan ang naramdaman ng mga mamamayan sa Bohol matapos manalo si Mark ‘Magnifico’ Magsayo sa kanilang away ni American boxing champion Gary Russel Jr. kung kaya’t kanyang nakuha ang World Boxing Council o WBC featherweight belt.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inilhayag ng ama ni Mark na si Joseph Judy Magsayo na naglagay ng malaking screen sa City Hall grounds ang mayor ng Tagbilaran City upang may makikitang live-fed sa away ng kanyang anak ang kanilang mga kababayan lalo na’t marami-rami pa ring mga bayan sa naturang lalawigan ang wala pa ring linya ng kuryente matapos sinalanta ng bagyong Odette.
Blangko pa si Judy kung ano ang plano ng probinsyal na pamahalaan sakaling uuwi na ang kanyang anak.
Aminado ang ama ng Pinoy boxing champion na mahirap pa rin sila ngayon at ang pagkakapanalo ng kanyang anak laban kay Russel ang inaasahan nilang mag-aalis sa kanila mula sa kahirapan kahit na dawalang taon na itong kasal.
Ayon pa kay Mang Judy, nangako ang kanyang anak sa kanilang video call kahapon na bibili na ito ng bahay para sa kanilang pamiya uparn makaalis na nga sa squatter area.
Nagsimula umano ang hilig ng kanyang anak sa boksing noong nakita ang away ni Pacman habang naglalako ng ice cream kungsaan bukmilib ito sa kasikatan ng Pinoy ring icon.
Hanggang high school lang nag-aral ang kanyang anak na scholar ng kanilang mayor kungsaan umapela pa itong hindi na magkokolehiyo dahil desidiso na siyang ipagpatuloy ang pangaran na magiging sikat na boksidor.
Palagi umano itong nananalo sa mga local events hanggang sa makapasok sa ALA Promotions na syang nagbansag sa kanyang Magnifico dahil sa kanyang away sa Amerika noon kngsaan ang kanyang napanalunang titulo ay nasa kanya pa ron.
Una umanong nabili ni Mark mula sa kita ng kanyang away noong unang sali niya sa national boxing event na isinagaw sa Tagbiliran City kngsaan kanyang naibulsa ang pramyong 10-libong piso na siyang ginamit sa pagbili ng 24-pulgadang TV set.
Napag-alamang apat ang kanyang mga anak kungsaan pangatlo si Mark habang ang bunso itong kapatid na lalaki ay pumasok din sa boksing ngunit pinahinto upang ipapatuloy ang kanyang pag-aaral.