-- Advertisements --
Chiong sisters
Chiong sisters

CEBU CITY – Natuwa si Mrs. Thelma Chiong sa pagtanggal ni Presidente Rodrigo Duterte kay Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon sa pwesto.

Ngunit hindi nagustuhan ang 15 days liberty na tiyansa na ibinigay ng Pangulo sa mga nakalabas na convicted criminals dahil sa good conduct time allowance (GCTA).

Ikinagalak din ni Chiong ang ginawang paglilinaw ng Presidente sa kanyang mga pagpuna ukol sa pagpapatupad ng kasalukuyang administrasyon sa GCTA..

Sa panayam ng Bombo Radyo Cebu kay Mrs. Chiong, sinabi nitong masyadong mahaba ang 15 days na ibinigay na deadline ng chief executive.

Naniniwala ito na dapat ay isang linggo lamang week lang.

Aniya, lumalabas na parang binibigyan pa umano ang mga nakalabas na mga kriminal ng oras para magtago.

Tulad na lamang aniya ng tatlong mga suspek na pumatay sa kanyang mga anak na nabiyayaan din sa GCTA.

Pero nag-aalinlangan pa rin si Mrs. Chiong dahil sa tagal na panahon na ring nakakulong ang mga suspek na sina Josman Aznar, Alberto Caño at Ariel Balansang, ang mga rapist-killers ni Maryjoy at Jacqueline Chiong, ay nag-iba na ang mga mukha dahil matatanda na raw ang mga ito at baka hindi na makilala pa ng mga pulis.

Nasa 22 taon na ang nakalipas nang maganap ang naturang sensational case.

Mismong si Chiong ay gusto ring makita ang mga pagmumukha raw ng mga ito.

Naniniwala naman si Chiong na nandito pa sa Pilipinas ang mga ito dahil walang pera ang mga ito.

BJMP New Bilibid Prison
New Bilibid Prisons, Muntinlupa City

Tanong pa ngayon ng ina ng Chiong sisters kung meron bang mga nakalaya na mula sa bilangguan na buluntaryong babalik pa ba at susuko gayong alam na nilang hindi na sila makakabalik pa.

Samantala sang-ayon din naman si Mrs. Chiong sa pagtatakda ng P1 milyong bounty sa mga ulo ng mga nakalabas sa Bilibid.