GENERAL SANTOS CITY- Nakatutok ang pamilya Donaire dito sa lungsod sa laban bukas ni WBC bantamweight champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire sa Japanese boxing star na si WBA, IBF champion Naoya Inoue.
Sa interview ng Bombo Radyo, umapela ng pagdarasal sa publiko si Lolit Donaire-Damalerio, residente ng Barangay Bula para sa pagkapanalo ng kanyang pamangkin .
Dagdag pa nito na hindi lamang sa kanilang pamilya ang karangalan kundi sa buong bansa .
Ayon pa nito na suportado ang ano mang plano ni Donaire Jr. habang malaki ang kumpiyansa na maagaw nito ang belt na hawak ni Inoue.
Matatandaan sinabi ng The Filipino flash na gustong maghigante matapos ang pagkatalo nuong 2019 sa kamay ng Japanese boxing star .
Sa pahayag ni Donaire na siguraduhin na lasapin ang mas brutal na pangyari nuong unang laban matapos nadala sa pagamutan si Inoue matapos nabali-an ng mga ribs dahil sa malakas na suntok ng Pinoy boxer.