CAGAYAN DE ORO CITY – Pinasalamatan ng pamilya Dormitorio kasama ng kanilang kaanak ang Panginoon na hindi sila pinabayaan sa kinaharap na malaking laban at hamon makamtan lang ang hustisyang hinangad patungkol sa sinapit na pagkasawi ni late Philippine Military Academy Cadet 4th Class Darwin Dormitorio halos limang taon ang nakakalipas.
Paglalahad ito ng panganay na kapatid ni Darwin na si Dexter Dormitorio ukol sa usaping pagka-kombikto ng tatlong principal accused ng kasong murder at paglabag ng Anti-Hazing Law na inilabas ni Baguio City Regional Trial Court Branch 5 Presiding Judge Ligaya Itliong-Rivera kahapon.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo, inihayag ng nakakatandang Dormitorio na saksi ang lahat kung gaano kalaki ang kinaharap na pader pagkamtan ng hustisya kaya labis-labis ang kanilang pasasalamat at kasiyahan na pumanig ang katototohanan sa pamilya nila.
Pinasalamatan rin ng kanilang pamilya ang pagtulong nina dating Defense Secretary Delfin Lorenzana,former DILG Secretary Eduardo Año at iba pang nasa government positions para hindi ma-brainwash ang kaso.
Umaasa ang pamilya na ang buhay na ni Darwin ang pinakahuling mawala sa loob ng akademya at maputol na ang kultura ng hazing na pinakahuling ginawa ng dating upperclassmen nito na sina former PMA Cadets 3rd Class Shalimar Imperial Jr; Felix Lumbag Jr at Julius Carlo Tadena na tig-40 taon makulong habang pinagbayad rin ng higit P2 million ng korte.
Si Dormitorio ay binawian ng buhay sa mga kamay ng kanyang upperclassmen noong madaling araw ng Setyembre 19,2019 kaya nagulantang hindi lang ang Cagayan de Oro City subalit ang buong bansa epekto ng karagdagang kaso ng hazing sa loob ng akademya.