-- Advertisements --

Nagbahagi ng kanilang larawan na magkakasama ang pamilya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Makikita sa litrato ang magkakapatid na sina Vice President Sara Duterte, Rep. Polong at Mayor Baste.

Pero marami ang nakapuna sa tila malaking ipinayat ng dating pangulo, lalo’t ito ay nakasuot ng maluwag na damit habang nasa kaniyang higaan.

Hanggang sa araw na ito ay wala pa sa kanila ang naghahain ng kandidatura para sa kahit anong posisyon.

Una nang sinabi ni VP Sara na kakandidatong senador sina dating Pangulong Duterte at Congressman Paolo, habang si Mayor Baste naman ay posibleng lumahok sa presidential race sa 2028.

Pero minsan na rin itong pinabulaanan ng dating presidente, kasabay ng pagsasabing retirado na siya sa politika.