-- Advertisements --

LEGAZPI CITY — Nakuha ng pamilya Kho sa lalawigan ng Masbate ang landslide victories sa katatapos pa lamang na midterm elections.

Tinalo ni re-electionist incumbent Governor Antonio Kho si outgoing Masbate third district Representative Scott Davies Lanete.

Nabigo ring makuha ni dating governor Rizalina Lanete ang posisyon bilang third district representative.

Nakuha naman ng anak ni Gov. Kho na si Wilton, na dating alkalde ng bayan ng Cataingan ang kanyang unang panalo sa Kongreso matapos talunin si Rizalina.

Samantala, hindi naman pinalad si incumbent Masbate Vice Gov. Jo Kristine Revil sa kanyang unang national position bid sa Kongreso nang talunin ni reelectionist second district Representative Elisa Kho, ang asawa ng gobernador.

Hindi rin nasungkit ni Masbate first district Representative Maria Vida Bravo ang vice gubernatorial position na nakuha naman ng baguhan na si Olga Kho, ang anak nina Antonio at Elisa.

Samantala, babalik naman sa Kongreso ang asawa ni Bravo na si dating Masbate first district representative Narciso Bravo Jr para sa bagong termino matapos talunin si incumbent San Pascual Mayor Zacarina Lazaro.