-- Advertisements --
maguindanao ampatuan massacre

KORONADAL CITY – Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang pamilya Maravilla na magiging kakampi nila ang hustisya matapos ang karumal dumal na Maguindanao Massacre noong Nobyembre 23, 2009.

Ito ang naging pahayag ni Jan Chienne Maravilla sa naging panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Reaksyon ito ng anak ng isa sa mga biktima ng masaker na si former Bombo Radyo Koronadal chief of reporters Bombo Bart Maravilla sa naging desisyon ng Supreme Court na pahintulutan si Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis Reyes na palawigin pa ng isang buwan bago isapubliko ang hatol sa naturang kaso.

Ayon kay Jan Chienne, kahit dismayado sila sa desisyong ito ni Chief Justice Diosdado Peralta, hihintayin pa rin nila ang resulta dahil naniniwala silang makakamit nila ang matagal nang inaasam na hustisya kasabay sa ika-10 anibersaryo ngayong buwan.

Samantala, ibinahagi rin nito ang ilang aktibidad para sa anibersaryo katulad ng site visit, prayer rally at candle lighting.

maguindanao ampatuan massacre 1