-- Advertisements --

ILOILO CITY – Bumili na ng bahay sa Iloilo City si First Lady Atty. Liza Marcos.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Councilor Plaridel Nava, sinabi nito na nakausap niya ang malapit na kaalyado ng pamilya Marcos at nakumpirma na bumili ang unang ginang ng bahay sa lungsod.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagbubunyag ni Sen. Imee Marcos na tatakbo sa 2025 local elections ang kanyang pamangkin sa kanyang kapatid na si Pres. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.

Ayon kay Nava, ang pagbili ng bahay ng First Lady ay paghahanda umano sa posibleng pagtakbo nila sa local elections sa Iloilo City.

Tumanggi naman ang konsehal na ibunyag kung saang distrito at kung sino ang may-ari ng bahay na binili ng First Lady.

Napag-alaman na ang ama ng unang ginnang na si basketball Olympian Manuel Araneta Jr., ay tubong Jaro, Iloilo City.

Nagtuturo rin ito sa College of Law sa West Visayas State University sa La Paz, Iloilo City.

Napag-alaman na sa ngayon si Sandro pa lang sa mga presidential sons ang nasa politika kung saan umuupo ito bilang kinatawan ng unang distrito sa Ilocos Norte.

Habang ang dalawang mga presidential sons na sina Joseph Simon, at William Vincent , 26, ang pinagpipilian na tatakbo sa susunod na halalan.