-- Advertisements --

Ipinahayag ni Finance Secretary Carlos Dominguez na bigong makapagbayad ng kanilang outstanding estate tax ng pamilya ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na nagkakahagala ng P203 billion.

Sa isang statement ay isiniwalat ni Dominguez na sinabi ito Bureau of Interval Revenue (BIR) Commissioner Caesar Dulay matapos na ipaalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang naging pahayag ang gampanin ng ahensya na mandatio nito na mangolekta ng buwis.

Aminado ang opisyal na mejo matatagalan pa ang proseso nito dahil may kinalaman ito sa pagbebenta sa pagbebenta sa public auction upang i-convert ito sa cash, at dahil na rin sa hindi raw aniya gumagawa ng paraan si Marcos upang matapos na ang nakabinbin dito.

Samantala, kaugnay nito ay una nang nagpadala ng writtend deman ang BIR sa pamilya Marcos para mabayaran na nito ang kanilang estate tax liabilities.

Magugunita na kamakailan lang ay nagpahayag ang tagapagsalita ni Marcos Jr. na si Atty. Vic Rodriguez at sinabing nananatiling pending pa rin sa korte