-- Advertisements --

lnb1 1

Nagsama-sama ang pamilya Marcos sa puntod ng yumaong dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr sa Libingan ng mga Bayani para sa isang misa.

Ang misa ay inalay ng Pamilya Marcos para sa namayapang dating Pangulo.

Alas-10:30 ng umaga kanina ng magsimula ang misa na pinangunahan ni Philippine Army Chief Chaplain Father Roy Onggao.

Dumalo si Pang. Ferdinand Bongbong Marcos sa misa kasama ang kaniyang maybahay na si First Lady Liza Marcos ang dalawang anak nito na si Simon at Vinny.

Maaga namang dumating sa puntod ang dating First Lady Imelda Marcos sumunod ang dalawang anak na babae na sina Irene Marcos at Senator Imee Marcos.

Nakiisa din ang mga loyal supporters ng pamilya Marcos sa isinagawang banal na misa para sa dating pangulo ng bansa.