-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nakaboto na ang pamilya Marcos sa Lungsod ng Ilocos Norte.
Si Governor at senatorial candidate Imee Marcos ay bumoto sa isang presinto sa Brgy. Zamboanga dito sa Laoag City.

Sama-sama ring bumoto sa iisang presinto sa Brgy. Lacub, Batac City ang dalawang anak ni Marcos na sina Atty. Michael Marcos Manotoc at Mathew Marcos Manotoc na kakandidatong Gobernador sa lalawigan, at si Congresswoman Imelda Marcos.

Sumunod din bumoto sina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos at ang kapatid nitong si Irene Marcos Araneta sa nasabi ring presinto kung saan sila nakarehistro.

Samantala, ilang Vote Counting Machines (VCM) dito sa iba’t-ibang lugar dito sa lalawigan ang nag-malfunction kaya natagalan ang operasyon nito at kakaunti pa lamang ang mga nakaboto sa Ilocos Norte.