Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na malayang makabiyahe sa labas ng bansa ang apat na miyembro ng
pamilya Maute matapos malinis ang kanilang mga pangalan at napatunayang hindi ito ang mga indibidwal na kabilang sa kanilang alert list.
Sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay Bureau of Immigration (BI)Spokesperson Atty. Antonette Mangrobang na ngayong cleared na ang mga nasabing indibidwal ng PNP at NBI ay walang dahilan para pigilan ang mga ito na makalabas ng bansa.
“If they have been determined to not be the same persons in the BI alert list then they are free to travel,” pahayag ni Mangrobang.
Binigyang-diin din ni Mangrobang na hindi na nila kailangan pang isailalim muli sa verification ang mga nasabing indibidwal gayong na verify at na validate na ito ng PNP at CIDG.
“Hindi na po kaya po sila inindorse sa PNP and NBI for verification,” dagdag pa ni Mangrobang.
Tatlo sa pamilya Maute na hinarang sa NAIA ay dinala sa CIDG-NCR habang ang isa ay dinala sa NBI.
Ang ni release ng CIDG NCR ay sina Yasser Maute, Ashary Maute at Alnizar Maute habang ang nasa NBI ay si Abdulrahman Maute.