-- Advertisements --
image 475

May kabuuang 3,019 pamilyang nasalanta ng Bagyong Paeng mula sa Maguindanao, Aklan, Capiz, at Antique ang nakatanggap muli ng cash assistance mula sa Philippine Red Cross (PRC) para tumulong sa kanilang pag-recover.

Sa isang event na ginanap kamakailan, ang mga benepisyaryo ng pamilya ay tumanggap ng multipurpose cash grant na nagkakahalaga ng P5,000.

Ang tulong na nagkakahalaga ng kabuuang P15 million ay ipinamahagi sa mga pamilya bukod pa sa P23.4 milyong tulong na ibinigay noong buwan Oktubre.

Ang inisyatiba ay katuwang ng International Committee of the Red Cross at ng International Federation of Red Cross at Red Crescent Societies.

Ang isang Philippine Red Cross o PRC “Bakuna Bus” ay naka-deploy din sa isa sa mga lugar ng pamamahagi upang mabakunahan at magbigay ng mga booster shot sa mga benepisyaryong tumanggap ng cash assistance.