-- Advertisements --

Hindi na intresado ang pamilya ng drug suspek na si Antonio Dalit alyas Tala na magsampa ng reklamo laban sa mga tauhan ng Laguna Police na nakapatay sa kanilang ka-anak.

Ayon kay PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, iniatras na ng kapatid ni Dalit na si Lydia ang reklamo laban sa mga pulis at naniniwala silang nanlaban si Antonio na kilalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa kanilang lugar.

Batay sa resulta ng autopsy report ng Regional Crime Laboratory sa CALABARZON, walang nakitang anumang bakas ng posas sa katawan nila Dalit at Helis maliban sa tama ng bala ng baril.

Taliwas sa alegasyon ng pamilya ng teenager na pinosasan muna ang dalawang biktima bago barilin ng mga pulis.

Panawagan ni Eleazar sa mga testigo na lumantad at magbigay ng pahayag para sa ikalulutas ng kaso.