-- Advertisements --
gymnast butuna Breanna

BUTUAN CITY – Labis ang kasiyahan ng ama ng 13-anyos na si Breanna Labadan matapos nitong ilampaso ang ibang mga contenders at nakamit ang Junior Individual All-Around titles sa sinalihang gymnastic meets sa Slovakia, Hungary, at Denmark.

Una nang humakot ng limang gintong medalya ang dalawang teenage Filipina gymnasts na miyembro ng Philippine National Women’s hythmic Gymnastics Team sa kanilang naging laban sa tatlong bansa sa Europa.

Itinaas ni Breanna Labadan ng Butuan City ang bandila ng bansa matapos ilampaso ang iba pang representante ng ibang mga bansa sa Junior Individual All-Around titles na gymnastic meets.

Sa pamamagitan ng nakakamanghang mga performances nahakot ni Labadan ang tatlong gintong medalya sa sinalihang Liptov Cup 2019 na isinagawa sa Liptovsky, Slovakia, 2019 Magic Cup Rhythmic Gymnastics Meet sa Hungary, at RG Friends Masters Gymnastics Meet sa Denmark.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Arnold Labadan na nagbunga rin ang matinding sakripisyo ng kanyang anak dahil halos dalawang taon itong nagsasanay sa Hungary bago nakamit ang tagumpay na pinakauna sa kasaysayan ng Philippine National Women’s Rhythmic Gymnastics Team.

gymnast butuan

Samantala dalawang gintong medalya naman ang nakamit ni Daniela Reggie Dela Pisa ng Cebu City matapos ang impresibong routines nito sa Senior Individual All-Around titles sa Slovakia at Hungary.

Napag-alamang si Dela Pisa ay kasama sa team ng gymnast ng bansa na lalaban sa 30th Southeast Asian Games na gagawin sa historic Rizal Memorial Sports Complex habang si Labadan ay nakatakdang lalaban sa Estados Unidos at sa Hungary sa taong 2020.