-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Hindi na magsasampa ng kaso ang pamilya ng apat na namatay sa naganap na pagguho ng lupa sa Ambaguio, Nueva Vizcaya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P Staff Sgt. Alfredo Cuyahon Jr, investigator ng Ambaguio Police Station na noong nasa punerarya ang apat na namatay ay nag-usap usap ang pamilya ng biktima at employer ng mga namatay kung saan sinagot lahat ng employer ang gastusin sa funeral services at nagbigay ng initial financial assistance na Php30,000.00 sa bawat pamilya ng namatay at dadagdagan pa sa mga susunod na araw.

Kinausap din niya ang pamilya ng mga biktima at tiniyak na tutulong ang PNP Ambaguio kung magsasampa ng kaso ngunit tumanggi na silang magsampa ng kaso at inihayag na naiintindihan nila na aksidente ang nangyari.

Nilinaw din ni PStaff Sgt. Cuyahon na walang naganap na sinadyang pinutulan ng ulo ang mga biktima.

Ayon sa PNP Investigator,nasa lugar siya nang isinasagawa ang rescue operation at dahil nagmamadali ang mga rescuer na mailigtas ang mga biktima ay gumamit na sila ng backhoe dahil malalim ang gumuhong lupa.

Dahil nakatayo ang posisyon ng mga biktima na natabunan ng lupa ay aksidenteng tinamaan ng backhoe ang kanilang mga ulo.