-- Advertisements --

ILOILO CITY – Malakas ang paniniwala ng pamilya ng babae na natagpuang patay sa loob ng sasakyan ng dating alkalde sa Iloilo na may alam ang kanyang kasambahay sa nangyaring krimen.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Peter Vigo ng Bo. Obrero, Lapuz, Iloilo City, tiyuhin ng biktima, sinabi nito na nanggaling mismo sa bahay ng biktimang si Claire Diergos ang kumot at comforter na ginamit sa pagbalot sa kanyang bangkay.

Ayon kay Vigo, hindi kapani-paniwala ang alibi ng kasambahay na wala siyang ideya sa krimen dahil sa liit ng bahay ng biktima, imposible anyang hindi marinig ng kasambahay ang mga nangyayari bago patayiun ang kanyang pamangkin.

Napag-alaman na inilarawan ng kasambahay na mabait at palakausap ang biktima, ngunit baliktad ito sa pagkakilala ng kanyang pamilya na mahigpit at hindi madaldal.