-- Advertisements --

ILOILO CITY – Umaasa ang pamilya ng babaeng natagpuang patay sa loob ng SUV sa Iloilo na mapabilis pa ang imbestigasyon dahil sa maaring tulong ng isa sa myembro ng Presidential Security Group (PSG) .

Pinsan umano ng biktima na si Claire Diergos si Police Captain Trisha Marie Diergos, ang close-in security ni Honeylet Avanceña na siyang common law wife ni Presidente Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Samuel Diergos, ama ng biktima, sinabi nito na darating ang PSG member dahil nag-file umano ito ng leave upang mabisita at matulungan ang pamilya na makamit ang hustisya.

Ayon sa ama, posible umanong ipaabot ni Capt. Diergos kay Presidente Duterte ang kaso sa pagpatay sa kanyang anak.