Hustisya ang hinihingi ng pamilya ng biktima ng pamamaril sa Brgy. San Mateo sa lungsod ng Batac dito sa probinsia ng Ilocos Norte.
Ayon sa anak ng biktima na 17 taong gulang, nalaman lamang niya ang insidente mula sa kanyang kaklase.
Batay aniya sa salaysay ng kanyang ina, ang nakita lang niya ay ang bala na pumasok sa side-car ng tricycle at hindi niya nakilala ang mga suspek.
Wala umano siyang alam na ka-away ng kaniyang ama kaya hindi nila alam kung bakit binaril ng mga suspek ito.
Kinilala ang biktima na si Marlo Arconado, 44, may asawa, empleyado ng MKL general merchandise at residente ng Brgy. San Pedro sa lungsod ng Batac matapos pagbabarilin sa kalsada ng Batac-Banna, malapit sa Brgy. San Mateo.
Naisugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital and Medical Center ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.
Ayon sa Philippine National Police sa lungsod ng Batac, minamaneho ng biktima ang kanyang tricycle kasama ang kanyang asawa nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang nakamotorsiklo.
Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo na patungong silangan.
Samantala, narekober ng mga tauhan ng SOCO sa pinangyarihan ng pamamaril ang limang kapsula ng caliber 45 pistol.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang suspek para sa pagkakakilanlan at motibo sa krimen.