CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuhos ang mga luha ng isang ina na nanawagan na mapadali ang pagresolba sa kaso ng pagkasawi ng kanyang anak na tinamaan ng ligaw na bala noong kasagsagan ng pagsalubong ng Bagong Taon sa Sitio Mirasol, Sabad, Lanao del Norte.
Una rito, nabigla ang pamilya ng biktima na 12-anyos na si Suzzette Manamaparan na sa kabila ng pagsasaya nito kasama ang kanyang mga pinsan ay agad napalitan ng pagdadalamhati dahil tumagos sa ulo ng bata ang bala ng .45-caliber na baril na sanhi ng agarang pagkamatay nito.
Inihayag ni Emilyn Manamparan na bago mangyari ang indiscriminate firing, marami nang mga inosenteng tanong biktima na tila mayroong pinatutungkulan.
Sinabi ni Manamparan na ang lupit naman umano ng panahon na mismo pa sa selebrasyon ng Bagong Taon ay nangyari ito sa kanilang pamilya.
Kaya naman, umapela ang pamilya sa PNP na maayos na imbestigahan ang kaso upang matukoy ang totoong salarin para managot sa batas.
Una nang inihayag ng Police Regional Office (PRO)-10 na mayroon na silang isinailalim sa paraffin tests na mga kapitbahay ng biktima na maaring may koneksyon sa pangyayari.