-- Advertisements --
suspect silawan cebu PNP
Silawan killing suspect Renato Payuman Llanes alyas Renren

CEBU CITY – Naging emosyonal ang isinagawang cross-examination ng pamilya ni Christine Lee Silawan, ang Grade 9 student na pinatay at binalatan ang mukha sa Lapu-Lapu City, sa suspek na si Renato Llenes.

Hinarap ng kapatid ng biktima na si Lucilyn Silawan ang self-confessed killer upang malaman ang detalye ng naging online conversation umano ni Llenes kay Christine Lee upang mapatunayan na ito nga ang pumatay sa kapatid nito.

Ikinagulat ni Lucilyn ng tumugma ang lahat ng sagot ni Llenes sa mga nakita nito sa naging chat conversation ng dalawa.

Upang lalong makumbinsi ay pinabuksan rin ni Lucilyn kay Llenes ang diumanoy dummy account na ginamit nito.

Doon na bumuhos ng husto ang emosyon ng kapatid ni Christine nang mabuksan nga ng suspek ang nasabing social media account.

Samantala, ikinatuwa naman ni Lapu-Lapu City police director Col. Lemuel Obon ang naging takbo ng kaso sa Silawan slay case.

Si Obon mismo ang tumayong complainant sa kasong murder na isinampa nila laban kay Llenes.

Nauna nang ikinadismaya ni Obon na sa kabila ng nadiskubre ng pamilyang Silawan, hindi pa rin nakipagtulungan sa kanila si Gng. Lourdes Silawan para sa pagpirma sa complaint affidavit sa kasong isinampa laban kay Llenes.