-- Advertisements --

Inilibing na ng mga awtoridad ang napatay na hinihinalang New People’s Army matapos ma-engkwentro ang pwersa ng pamahalaan sa Barangay Tala-on, Negros Occidental.

Ayon kay Lt. Stephen Polinar, tagapagsalita ng Negros Occidental Police Provincial Office matapos aniyang dumaan sa autopsy ang mga ka-anak na nasawi kasama ang punong barangay ng Brgy. Tala-on ay agad namang dinala ang mga labi ng mga ito sa bundok upang doon ilibing.

Kinilala naman ng mga awtoridad ang isang hinihinalang nasawing rebelde na si Rolito Apatan Tanillon, na tinukoy ng militar bilang kasapi ng pinatalsik na Central Negros 1 front ng komiteng rehiyon sa Negros, Cebu, Bohol at Siquijor.

Kabilang si Tanillon sa apat na armadong lalaki na nakipag sagupaan sa miyembro ng 62nd infantry battalion ng Philippine Army sa Brgy. Tala-on noong Lunes ng gabi.

Pinaniniwalaan ng mga awtoridad na ang grupo ni Tanillon ang responsible sa pag-sunog ng mga mabigat na kagamitan sa Brgy. Aya sa La Libertad noong gabi ng Pebrero 8.