KORONADAL CITY – Halos hindi makausap ang pamilya ng seafarer na nasawi sa paglubog ng livestock ship sa karagatan ng Japan matapos itong dumating sa Pilipinas.
Sa pakikipagkamusta ng Bombo News Team sa mga kaanak ni Joel Linao, nananatili silang nasa state of trauma nang inihatid ang bangkay nito sa kanilang bahay sa Brgy. Cannery, Polomolok, South Cotabato.
Hiniling rin aniya ng pamilya na huwag buksan ang ataul dahil hindi nila maatim kung ano ang naging kalagayan ng katawan o mukha ng naturang tripulante nang ito ay ma-rescue matapos mula sa tubig-dagat.
Samantala nakatakda umano itong ilibing tatlo o apat na araw mula ngayon dahil unti-unti nang sumasailalim sa state of decomposition ang bangkay.
Isa lamang si Linao sa mga tripulante na narekober ng Japanese coast guard matapos lumubog ang Gulf Livestock 1 bunsod ng pananalasa ng bagyong Haishen.