-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Labis na pangamba ang naramdaman ng pamilya ni Captain Dante Addug ng lumubog na cargo ship sa East China Sea

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Orlybelle Addug, pamangkin ni Addug, emosyonal na ibinahagi niya na hanggang ngayon ay natatakot pa rin sila sa kalagayan ng kanilang kaanak.

Lalo na aniya at limitado ang inihahayag na impormasyon ng patungkol sa search and rescue operations para sa mga tripulante sa naturang cargo ship.

Gayunman ipinapanalangin aniya nila na maging maayos ang kalagayan ng kanilang kaanak at ng iba pang mga Pinoy seafarers na apektado ng insidente.