KORONADAL CITY- Mixed emotions sa ngayon ang nararamdaman ng pamilya nga Maguindanao Massacre victims sa nalalapit na promulgation ng kaso sa Disyembre 19, 2019.
Sa esklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay Emily Lopez, Presidente ng Justice Now Movement, ipinahayag nito na magkahalong kaba at saya ang kanilang nararamdaman sa magiging resulta ng promulgation.
Ayon kay Lopez, nawa’y maibigay na sa kanila ang hustisya na isang dekada na nilang hinihintay at mahatualng guilty ang mga suspek sa karumaldumal na krimen sa kasaysayan na nag-iwan ng 58 biktima kabilang na ang 32 kasapi ng media.
Samantala, ikinatuwa din ng pamilya ng massacre ang pag-apruba ng Korte Suprema sa pagsasagawa ng live media coverage sa mismong araw ng promulgation.
Ayon kay Lopez, heinous crime ang nangyari sa mga biktima dahilan na nararapat lamang na malaman ng publiko ang takbo at resulta ng kaso.
Sa ngayon, naghahanda na ang bawat pamilya lalong lalo na sa lungsod ng Koronadal at Gensan papunta sa Maynila upang saksihan ang promulgation ng kaso bitbit ang pag-asang tuluya nang makakamit ang husitisya para sa namatay nilang pamilya.