-- Advertisements --

Nagkaroon ng masidhing palitan ng mga pahayag sa committee meeting sa Israeli parliament kasabay ng pagtitipun-tipon ng ilang mga pamilya ng mga bihag ng militanteng Hamas sa Gaza.

Nakipagkita at nakipag-diskusyon ang mga ito kay National Security Minister Itamar Ben-Gvir at iba pang far-right members ng gobyerno ng Israel.

Si Ben-Gvir, na isang divisive figure sa mundo ng pulitika sa Israel na nais na gawing annex ng Israel ang mga teritoryo ng Palestine, ay nagsusulong na maisabatas ang parusang kamatayan sa mga terorista.

Hawak-hawak ang mga larawan ng kanilang mahal sa buhay, ibinulalas ng mga pamilya ng mga bihag ang kanilang galit dahil sa kawalan ng progreso para mapalaya ang mga bihag at isinisigaw na maibalik ang miyembro ng kanilang pamilya.

Inakusahan din ng mga ito ang National Security Minister ng paglalayag sa kanilang mahal sa buhay sa panganib dahil sa pagsisiwalat sa mga Palestinians na nakapiit sa mga kulungan ng Israel.

Pinangangambahan din ng pamilya ng mga bihag na posibleng lumiit ang tiysanang pumayag ang Hamas na palayain ang kanilang mga bihag at mataas din ang posibilidad na maltratuhin sila dahil sa posibleng pag-execute ng Israel sa mga bilanggong Palestinian.

Nakipagkita din sa Tel-Aviv ang malaking grupo ng iba pang pamilya ng mga bihag kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu at mga miyembro ng war cabinet sa Defense Ministry.

Ayon sa isa sa pamilya ng bihag na si Udi Goren, dismayado ito na marinig na hindi prinaprayoridad ng pamahalaan ng Israel ang pagpapalaya sa mga bhag kabilang ang misyon para talunin ang Hamas at maagang umalis dahil walang bagong impormasyong ibinigay ang war cabinet para sa posibleng pagpapalaya sa kanilang mahal sa buhay na bihag ng Hamas.