-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY – Magtitipon bukas ang pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre sa Forest Lake Cemetery sa lungsod ng Heneral Santos kasabay ng ika-13 anibersaryo ng malagim na masaker.

Ayon kay Joseph Jubelag, isa sa mga print journalist sa lungsod na alas 4:00 ng hapon ay isasagawa ang misa at pagkatapos ay susundan ng candle lighting.

Dagdag pa nito na isasagawa rin ang fellowship kasama ang pamilya ng mga biktima sa pangunguna ng Socsargen Press Club.

Hanggang sa ngayon walang pagbabago ang hiling ng mga pamilya ng mga biktima ng Maguindanao massacre na sila ay bibigyan nga financial at educational support.

Habang noong nakaraang Linggo ay pumunta na ang iba sa masaccre site sa Ampatuan, Maguindanao.

Napag-alaman na sa mahigit sa 30 na miyembro ng media na pinatay 12 ay nakalibing sa Forest Lake Cemetery, General Santos City.