BACOLOD CITY – Nirerespeto umano ng Diocese of San Carlos ang desisyon ng pamilya ng mga nasawi sa madugong police operations sa Negros Oriental na hindi na lamang magsasampa ng kaso laban sa mga otoridad.
Maalalang 14 ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang mga police operations noong Marso 30 ng madaling-araw sa Canlaon City, Santa Catalina, at Manjuyod.
Ayon kay Bishop Gerardo Alminaza ng Diocese of San Carlos, nakausap nito ang pamilya ng mga biktima ngunit kanyang ikinalulungkot nang sinabi ng mga ito na hindi na sila interesado na magsampa pa ng kaso laban sa mga pulis.
Ngunit sa kabila nito, nauuwaan pa rin daw ng obispo ang desisyon ng pamilya ng mga biktima.
Samantala, umapela naman ang Simbahang Katolika sa lugar na tigilan na ang pagpatay sa mga magsasaka at iba pang mga karahasan.
Ayon kay Alminaza, kung galit ang paiiralin at idadaan sa patayan, wala ring mananalo dahil kapwa talo ang dalawang kampo.
Inihayag nito na sana ilagay sa sentro ang Panginoon sa anumang mga nangyayari sa mundo.