Kinumpirma ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na makakatanggap ng insurance indemnification na nagkakahalaga ng aabot sa P200K ang pamilya ng mga biktima ng salpukan ng isang dump truck at public utility van in Antipas, Cotabato.
Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz III, inabisuhan na nila ang consortium ng insurance companies para sa accident insurance ng mga pasahero.
Paliwanag ni Guadiz na dalawa lamang ito sa Pilipinas at ito ay ang PAMI (Passenger Accident Management and Insurance Agency) at SCCI (SCCI Management and Insurance Agency Corp.)
Tiniyak rin ng opisyal na ang mga pamilya ng mga biktima at nasawing biktima ay makatatanggap ng insurance regardless kung sino ang may mali sa aksidente.
Patungo na rin aniya ang mga kinatawan ng insurance firm sa Cotabato upang ipaabot ang indemnification sa mga kaanak ng mga biktima ng malagim na insidente.
Kung maaalala, aabot sa labing walo ang nasawi ng mabungo ng isang dump truck na puno ng graba sa isang pampasaherong van.
Dahil dito ay nagliyab ang naturang van na ikinasunog naman ng mga pasahero nito.
Nilinaw rin ni Guadiz na lihitimong PUV ang naturang van .
Ibig sabihin ito ay may prangkisa bilang public transport dahilan upang makatanggap ang mga pasahero nito ng kaukulang insurance.