-- Advertisements --

ILOILO CITY – Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng Ilonggo na sundalo na isa sa mga nasawi sa pagbagsak ng C-130 plane ng Philippine Air Force (PAF) sa Patikul, Sulu.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Gina Provido Lorca, tiyahin ni Pvt. Felix Provido, sinabi nito na ang pamilya ng kanyang pamangkin ay nagmula sa Guinacas, Pototan, Iloilo.

Ngunit lumipat sila sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur kasama ang kanyang ama na isa ring sundalo ngunit binawian din ng buhay sa engkwentro sa pagitan ng militar at rebelde.

Ayon kay Lorca, 28-anyos pa lang ang kanyang pamangkin at marami pa sana itong pangarap sa buhay.

Napag-alaman na maliban kay Provido, napasama rin sa mga namatay si Lt. Sheena Alexandrea Tato ng Jaro, Iloilo City.