-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Natanggap na ng pamilya ng ilang overseas Filipino workers (OFW) ang financial assistance mula sa Overseas Worker Welfare Administration (OWWA) para sa mga naapektuhan ng bagyong Tisoy sa Cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PESO Cauayan City Officer Joycelyn Tagundando, sinabi niya na nasa 247 kaanak ng mga OFW ang tumanggap ng P3,000 na tulong mula sa OWWA.

Ang mga kaanak ng mga OFWs ay mula sa Carabatan Chica, District 1, District 3, Duminit, Gagabutan, Labinab, Turayong at Villa Luna Sitio 12 ng Cauayan City.

Ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office mismo ang tumukoy sa kanila na pinakanaapektuhan ng bagyong Tisoy noong nakaraang taon sa lungsod ng Cauayan.

Bagamat umabot sa mahigit 300 na applikante ang natanggap ng PESO para sa naturang kapakinabangan ay marami sa kanila ang hindi na-qualified na tumanggap dahil hindi na sila aktibo at ang iba ay lumipat na ng tirahan.

Inaasahan namang tatagal ang pagtanggap nila ng mga second batch ng mga applikante para sa naturang financial assistance sa March 5.

Labis naman ang pasasalamat ng ilang pamilya ng OFW sa kanilang natanggap na kapakinabangan na magagamit umano nila sa pang-araw-araw na gastusin.