Personal na kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ipinamalas na katapangan ng mga sundalo sa muling pagbisita niya sa kampo nila sa Zambaonga City.
Binigyan ni Pangulong Duterte ng Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan ang nasa 12 sundalong nasugatan matapos ang naganap na suicide bombing sa bayan ng Indanan sa Sulu nito noong nakaraang linggo.Samantala, Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag naman ang iniabot ni Pangulong Duterte sa pamilya ng dalawang sundalong namatay sa insidente.
Ang Order of Lapu-Lapu ay ibinibigay ng pangulo sa sino mang nagbigay ng hindi matatawarang serbisyo sa bayan o kontribusyon sa adbokasiya at kampanya ng chief executive.
Inabot din ni Pangulong Duterte ang tulong pinansyal na nagkakahalaga P250,000 sa bawat pamilya ng sundalong namatay at P100,000 naman sa bawat sugatang sundalo.
Samantala, binista rin ni Pangulong Duterte kagabi ang burol ni Renato Lumawag sa Cosmopolitan Funeral Chapel in Davao City.
Si Lumawag ay matagal nang kaibigan at personal photographer ni Pangulong Duterte.