-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Dumulog sa himpilan ng Bombo Radyo Koronadal ang pamilya ng isang missing na OFW sa bansang Qatar matapos maging biktima ng maltreatment ng kanyang amo.

Ito ang kinumpirma ni Christian Carl Tandog, kasintahan ng OFW na si Marites Bolano Batobalonos, na residente ng Sultan Kudarat, Cotabato City sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon kay Tandog natapos na ang kontrata ni Marites sa kanyang employer noong buwan pa ng Pebrero ngunit na extend ito dahil hindi pa ito nabilhan ng ticket ng kanyang amo.

Maliban pa sa ginagawa ng kanyang employer sa kanya, kulang pa ang ibinibigay na sahod sa kanya at ito rin ang rason na nagtataka na ang pamilya ni Marites dito sa Pilipinas.

Maliban sa pangyayari, nagkaroon din ng argumento si Marites at ang kanyang amo.

Tumawag umano ng mga pulis ang amo nito at inireport siya upang dalhin sa prolice station ngunit hindi na nakita pa si Marites at nawawala sa loob na ng 5 araw.

Sa ngayon humihingi ng tulong ang pamilya ni Marites para mabilis na malocate at mapauwi dito sa bansa ang nasabing OFW.