-- Advertisements --

LAOAG CITY – Nanawagan ng tulong si Mrs. Percita dela Cruz ng Brgy. Gaang, Currimao, Ilocos Norte sa Bombo Radyo para maiuwi ang kanyang pamangkin na namatay sa bansang Dubai.

Ang overseas Filipino worker ay si Angelica Castro dela Cruz, domestic helper sa Dubai at residente ng nasabing barangay.

Una rito ay umano’y nagbigti patay ang OFW sa hindi pa malamang dahilan at natagpuan ang kanyang bangkay sa loob ng knyang kuwarto sa pinapasukang bahay sa Dubai.

Nalaman ni Mrs. Dela Cruz na nag-expire ang working visa ng kanyang pamangkin na mayroon lamang anim na buwan na pagtatrabaho ngunit lampas na ito sa kanyang pananatili sa nasabing bansa.

Unang sinabi ng pinsan ng biktima na ni Aiza Cruise na isang ring OFW sa Taiwan ay umanoy inilagay ang bangkay ng kanyang pinsan sa freezer kaya’t nais nilang malaman kung inabuso ito o hindi.

Nabatid ng Bombo Radyo na wala ng magulang ang biktima at may dalawang maliliit na anak.