KORONADAL CITY – Ikinagalak ng pamilya ng kauna-unahang Asian American winner mula Banga, South Cotabato ang isang Pinay matapos na koronahan bilang Miss Texas USA.
Ayon kay Banga Mayor Albert Palencia sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal napakalaking karangalan hindi lamang para sa kanyang pamilya kundi sa buong bansa ang pagkapanalo nito.
Una rito, kinumpirma ni Bombo Pinoy Gonzales, Bombo International News Correspondent mula sa Texas USA, na ang isang law graduate na si Averie Bishop mula sa Carrollton City at nagrepresenta sa kanilang lungsod para sa Miss Texas 2022 at maswerteng nanalo mula sa 40 mga contestants.
Si Bishop ay 25-anyos na lumahok sa naturang beauty pageant ang nagpakita ng kanyang galing.
Nabatid na bukod sa pagiging abogada, isa ring social media influencer si Bishop at mahilig din sa pagtitiktok.
Isa rin itong popular na content creator na may mahigit 800,000 TikTok followers, at naging miyembro ng Dallas Mayor’s Anti-Hate & Discrimination Advisory Council noong nakaraang taon.
Ang kaniyang ina ay isang Ilongga mula sa bayan ng Banga South Cotabato.