TUGUEGARAO- Duda ang pamilya ng pinaslang na bise alkalde ng bayan ng Aparri, Cagayan na may kaugnayan sa black sand mining ang pananambang kay Vice Mayor Rommel Alameda at sa lima niyang kasamahan sa Bagabag, Nueva Vizcaya noong Pebrero 19, 2023
Sinabi ni Beth Alameda, maybahay ni Vice Mayor Alameda na wala namang black sand mining sa Aparri.
Reaksion ito ni Ginang Alameda sa pahayag ni PNP Chief General Rodolfo Azurin na isa sa lumalabas na motibo sa pagpaslang kay Alameda dahil kilala siya na kritiko ng black sand mining oparations sa Cagayan.
Sinabi ni Azurin na lumalabas sa imbestigasyon ngayon na may business rivalry dahil sa black sand mining kung saan ibinebenta ang black sand sa mga Chinese na mariin umanong tinututulan ni Alameda.
Subalit, sinabi ni Ginang Alameda na naniniwala pa rin sila na pulitika ang dahilan ng pagpaslang sa kanyang asawa at hindi dahil sa black sand mining.
Sa ngayon, wala pang ibinibigay na impormasyon sa kanya ang mga otoridad ukol sa update ng ginagawang imbestigasyon sa pagpaslang sa kanyang asawa.