Nais magkaroon ng pamilya ng napaslang na mamamahayag na si Percy Lapid ng isang independent autopsy sa nasawing “middleman” na itinuro ng self-confessed gunman na si Joel Escorial.
Nananawagan si Roy Mabasa, kapatid ni Lapid sa mga maaaring tumulong para maisagawa ang independent autopsy sa labi ni Crisanto Villamor Jr. na tinukoy ng gunman na namatay sa loob ng New bilibid Prison (NBP).
Ayon kay Mabasa, labis na nagdalamhati ang kanilang pamilya matapos na mapag-alamn ang pagkasawi ni Villamor na namatay ilang oras matapos na pangalanan ni escorial ang umano’y middleman sa kinontratang pagpatay sa mamamahayag.
Makakatulong aniya ang pagsasagawa ng independent autopsy para sa ikakalubag ng kanilang kalooban.
Una ng iniulat ng Bureau of Corrections, base sa initial findings na walang bakas na nagtamo ng physical external injuries sa katawan ng umano’y middleman at wal ding nakitang tama ng baril sa kaniyang katawan.
Ngayon lamang araw, sa lumabas na autopsy findings ng National Bureau of investigation, lumalabas na Heart hemmorhage ang ikinamatay ng middleman at wala ding nakitang bakas ng external physical injury.