-- Advertisements --

VIGAN CITY – Humingi ng tulong sa Bombo Radyo Philippines ang pamilya ng napaslang na dating kasapi ng Philipine Marines na security aide ni Vice Mayor Jaja Josefina Disono upang malinis ang pangalan ng kanilang kamaganak.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay alyas Boy tiyuhin ng napaslang na si Sandee Boy Bermudo, masakit para sa kanilang pamilya na pinagkakalat sa social media na terorista si Bermudo na sinasabing mula sa Mindanao.

Aniya, sa Maynila lumaki at nagaral si Sandee at ang kanyang tatay ay dating miyembro ng Philippine Marines habang ang kapatid na babae ay kasaluyang nasa serbisyo ng Marines pati na ang ilan sa kanilang kamaganak.

Umalis umano ito sa serbisyo pagkatapos ang limang taon upang malapit at masubaybayan ang kanyang pamilya at dalawang anak.

Nagtrabaho umano ito bilang isang safety officer, security supervisor sa isang firm at habang kasagsagan ng COVID19 pandemic pumasok bilang security aide.