-- Advertisements --

NAGA CITY – Hustisya ang sigaw ng pamilya ng negosyanteng natagpuang patay sa Libmanan, Camaines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo sinabi Rosario Arciaga-Manuel, kapatid ng biktimang si Socimo Arciaga, na matagal na nitong trabaho ang pag-aangkat ng kambing sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Wala naman daw silang nabatid na kaaway o kasamaan ng loob ng biktima na bumisita lang sa kanilang lugar para kunin ang 44 na biniling kambing sa isang Crispin Bon.

Batay sa salaysay ni Bon, biglang nawala ang 29 sa mga kambing kaya hinanap muna nila ang mga ito.

Ngunit hindi pa raw sila nagtatagal sa aktibidad nang umalis si Arciaga makaraang may tumawag dito.

Nitong Biyernes nang iulat ng pulisya na pira-pirasong natagpuan ang kayawan ng biktima sa dalawang magkahiwalay ng barangay ng bayan.