-- Advertisements --
ILOILO CITY – Idinaan sa Bombo Radyo ng pamilya ng Ilongga domestic helper na nagbigti sa Riyadh, Saudi Arabi ang panawagan sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) upang mapauwi ang bangkay nito sa Pilipinas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Ronald Talagon, mister ni Cheryl Talagon, sinabi nito na hanggang sa ngayon ay wala pang update ang OWWA sa pagpapauwi sa bangkay ng kanyang misis.
Ayon kay Talagon, hindi pa anya tapos ang imbestigasyon sa insidente.
Nakatakda namang dahlin sa New Lucena, Iloilo ang bangkay ng biktima pagdating sa Pilipinas.
Napag-alaman na higit isang buwan na mula ng nagbigti ang pinay OFW kug saan ipinakita pa ito sa Facebook live.