-- Advertisements --
mayor david Clarin

CEBU CITY – Hindi pa rin makapaniwala ang kapatid ng alkalde ng Clarin, Misamis Occidental matapos ang nangyaring pananambang na isinagawa ng hindi nakilalang mga gunmen sa Brgy. Guadalupe, sa lungsod ng Cebu.

Sa panayam ng Bombo Radyo sa nakababatang kapatid na si Princess Navarro-Madarang, sinabi nito na isang mabuting tao at provider ang kanyang kuya na si Mayor David Navarro.

Maluha-luhang ikinuwento ng kapatid na hindi umano makakain at makapag-aral ang kanyang anak matapos ang sinapit ng kanyang kuya kung saan walang habas itong binaril ng mga gunmen.

Una rito, dali-daling yumakap si Princess sa duguang katawan ng alkalde at labis ang ihinagpis nito matapos ang pananambang.

Napag-alaman na sinamahan ni Princess ang kanyang kuya sa piskalya upang isailalim ito sa inquest proceedings.

Sa ngayon, humihingi ang kapatid ni Mayor Navarro ng hustisya sa karumal-dumal na kamatayan ng kanyang nakatatandang kapatid.

Patuloy pa ring iniimbestigahan ng PNP ang insidente sa kontrobersyal na mayor ng bayan ng Clarin.