ROXAS CITY – Naniniwala ang kapatid ng Pinay Domestic Helper na mayroong foul play ang pagkamatay ng kanyang kapatid na diumano nagpakamatay sa Sabah-Al-Nasser sa Kuwait.
Batay sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Roxas kay Victoria Colmo kapatid ng hindi na pinangalanang biktima ay hindi penmanship ng kapatid ang nakasulat sa “suicide note” na iniwan nito.
Ayon kay Colmo na bagon nangyari ang insidente ay apat na araw na silang hindi nag-uusap ng kapatid kung kaya’t malaki ang paniniwala niya na posible may nangyaring masama sa kanyang kapatid.
Ngunit, malaki pa rin ang paniniwala ng kapatid ng biktima na hindi penmanship ng kapatid ang nakasulat sa suicide note at posible na sinadya itong patayin ng hindi pa nakikilalang suspek.
Maliban dito na naniniwala rin ang mga kasamahan nitong mga OFW’s na posible pinatay ang biktima at ipinalabas lamang na nag suicide ito.
Sa ngayon nakikipag-ugnayan narin ang pamilya Colmo sa Department of Foreign Affairs (DFA) kung saan sa oras na makabalik na ang bangkay nito sa bansa ay isasailalim ito Autopsy Examination bago i-cremate.