-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Mabait at seryoso sa kanyang trabaho bilang pulis si Staff Sergeant Edward Dimpaso na binaril patay sa probinsya ng Cotabato.

Ayon sa mga kaibigan at malapit na kamag-anak ni Dimpaso na hindi totoong may Mining Business ang biktima sa Agusan Del Sur at wala rin itong ilegal na Gawain.

Palakaibigan ang biktima,maraming natulungan lalo na sa kanyang mga kamag-anak at kababayan.

Matatandaan na palabas si Dimpaso sa pag-aari nitong bakeshop at pasakay sa kanyang motorsiklo sa Brgy Poblacion 8 Midsayap Cotabato ng itoy pagbabarilin ng dalawang hindi kilalang suspek gamit ang kalibre.45 na pistola.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng maraming tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay may mga anggulo nang iniimbestigahan ang Midsayap PNP sa pamamaril patay sa biktima.